Monday, June 28, 2010

I LOVE MY LIFE :D

What a wonderful world! Again, i learn how to appreciate life because of those person around me. Yes, it is hard to find a compatible partner in life but i can say that i am fortunate to have my family and friendsss!! Most of all, thankful because i know that God is with me all the time.
Mahirap para sa iba na mahanap ang tunay na kaligayahan sa buhay. Siguro, namumuhay sila sa komplikadong buhay. Para sa akin, dapat tayong mamuhay ng simple. Sa mga nagdaang araw, nakaranas ako ng mga problemang yumanig sa aking pananamplataya sa ating Panginoon. Dumating pa ang oras na kinuwestiyon ko kung totoo bang nandiyan nga talaga Siya, dala na rin siguro ng maraming kaisipan na aking nasasagap mula sa ibat ibang uri ng tao. Alam ko na siya nga ay nasa paligid lamang pero paano pag may nagtanong sa akin kung paano ko ito mapapatunayan?
Napatunayan ko ito ng ako ay makaranas ng mga problemang muntik ko ng hindi kayanin. Wala akong ibang matakbuhan. Masasabi kong madilim ang aking mundo nung mga panahong iyon.
Humarap ako sa ibat ib ang klase ng pagsubok sa buhay. Maraming beses na hindi ko nakakasundo ang aking pamilya. Nagkaroon kami ng alitan ng ilan sa aking mga kaibigan. Nagkaproblema ako sa pera dala na rin ng aking kapabayaan.
Hindi ko na alam ang aking gagawin, hanggang sa maalala ko na mayroon pa ring handang tumulong sa akin. Siya ang aking Panginoon. Ang nagbibigay sa akin ng lakas sa mga panahong akoy mahina. Ang nagbibigay sa akin ng liwanag tuwing akoy tumatahak sa madilim na landas. Higit sa lahat, ang aking gabay sa pagtahak sa masalimuot na buhay.
Sa lahat ng mga pinanghihinaan ng loob, kung iniisip ninyo na wala ng handang dumamay sa inyo nagkakamali kayo. Nandiyan lamang Siya, hinihintay ka na muli kang magbalik loob sa kanya.
Lahat ng tao kaya kang talikuran, sa oras na iyon .. may isang Diyos na naghihintay sayo. Yayakapin ka at handa kang gabayan patungo sa landas ng pagbabago.
God is not good !
God is GREAT , ALL THE TIME !